Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Hayaang Masumpungang Tapat ang Diyos”

“Hayaang Masumpungang Tapat ang Diyos”

Awit 170

“Hayaang Masumpungang Tapat ang Diyos”

(Roma 3:4)

1. Hindi sinungaling si Jah;

Diyos siya na matapat.

Sa kanya’y laging umasa;

Walang pagsalungat.

Ang tao man ay bulaan,

Siya’y may katapatan.

Katotohana’y dalisay

Nang magpasawalang hanggan.

2. Panganay ng Diyos sinugo

Upang siya’y maglingkod,

Sa salita at sa gawa,

Diyos itinaguyod.

Kautusan ni Jehova;

Kanyang iningatan.

Sa tupa ay naging gabay

Kagalakan niya’y katwiran.

3. Ang Bibliya man ay nilibak,

Pinili ay haka,

Tiwala natin ay sa Diyos;

At kanyang Salita.

Sa atin na nangangaral,

Do’n tayo aasa.

Bilang mga maaamo,

Sa Salita’y tatalima.