Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Hindi Maaaring Magsinungaling ang Diyos”

“Hindi Maaaring Magsinungaling ang Diyos”

Awit 149

“Hindi Maaaring Magsinungaling ang Diyos”

(Hebreo 6:18)

1. Ang ating Diyos nangako kay Abraham,

Pagpapalain siya sa katapatan.

Sa pananampalataya’y natalos,

Na hindi magsisinungaling ang Diyos.

2. Diyos ay di nagbabago ng salita,

Pagpapala kay Abr’am isinumpa.

Siya ay luwalhatiin, pag-asa’y lubos,

Pagka’t di magsisinungaling ang Diyos.

3. Upang tumibay ang pagtitiwala,

Pangako niya’y pinatatag ng sumpa.

Poot man ng Diyablo sa ’ti’y ibuhos,

Hindi nga magsisinungaling ang Diyos.

4. Mapananaligan mo si Jehova,

Di binibigo ang mga lingkod niya.

Sa pangako’t sumpa niya’y matatalos

—Oo, di magsisinungaling ang Diyos.