Ibigay ang Iyong Pasanin kay Jehova
Awit 103
Ibigay ang Iyong Pasanin kay Jehova
1. Dalangin ko’y pakinggan mo;
Huwag akong pagtaguan.
Bigyan mo ng kasagutan,
Nang hindi maguluhan.
(Koro)
2. Kung pakpak taglay ko lamang,
Sa malayo’y lilipad
Sa isang dakong ligtas sa
Balakyot, mamumugad.
(Koro)
3. Si Jehova’y tatawagan,
Siyang trono’y kataasan.
Dulot niya’y kapayapaan,
Kahit may pagsalansang.
(KORO)
Kay Jehova ang pasanin;
Tayo ay tutulungan.
Di niya tayo babayaan,
Pagka’t siya ang kanlungan.