Ibunyi ang Kaharian ni Jehova!
Awit 21
Ibunyi ang Kaharian ni Jehova!
1. O kayong mga Kristiyano,
Ibunyi ang Kaharian.
Si Miguel sa kalangitan,
Nagwagi sa labanan.
Ang Dragon, siyang Diyablo’t Ahas,
Kampon niya’y tatalian.
Si Kristo’y magpapahayag
Sa Diyos na kapurihan.
2. Nalabi ng munting kawan
Naroon sa unahan.
Kay Jesus makikisama,
Pagdating ng Kaharian.
Ang mga mayro’ng pag-asa
Paraiso’y kakamtan,
Nalabi ay tutulungang
Ihayag ang Kaharian.
3. Ibunying may kagalakan!
At magturong mahusay;
Ang maamo ay tulungang
Kay Jehova mag-alay.
Ibunyi ang Kaharian;
Ihayag kagalingan.
Magdudulot pagpapala,
Jehova’y papurihan.