Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ihayag ang Walang Hanggang Mabuting Balita!

Ihayag ang Walang Hanggang Mabuting Balita!

Awit 6

Ihayag ang Walang Hanggang Mabuting Balita!

(Apocalipsis 14:6-8)

1. Mayro’ng anghel sa langit na lumilipad,

Mabuti ang balitang inilalahad.

Ang sabi niya: ‘Luwalhatiin at matakot.

Diyos sambahin at sa kanya ay maglingkod.

Pagka’t sumapit na oras ng paghatol,

Lahat ng masama’y tiyak na malilipol.’

Mga tagapangaral ay huwag mangamba;

Balita’y ipahayag sa buong lupa.

2. Ang pangal’wang anghel ano ang balita,

Na ating inihahayag din sa lupa?

Gumuho na ang Babilonyang Dakila,

Nalalapit na ang kanyang pagkapuksa.

Ihayag natin, utos nga ni Jehova,

Paghihiganti’t pagbabangong-puri niya.

Larangan na tuturua’y malawak pa;

Nguni’t anghel ng Diyos ang siyang nangunguna.

3. Anak ng tao at kanyang mga hukbo,

Sinimulan paghatol sa mga tao.

Limuti’y masama. Sundin ang mabuti.

Sa Diyos matakot, utos niya’y tupding lagi.

Ito’y tungkuling atas ng Diyos sa atin:

‘Balita’y ipangaral’ nang buong giting.

Bilang mga ministro ating himukin,

“Halina’t si Jehova’y ating sambahin.”