Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ipako ang Tingin sa Gantimpala!

Ipako ang Tingin sa Gantimpala!

Awit 222

Ipako ang Tingin sa Gantimpala!

(2 Corinto 4:18)

1. Pag ang bulag nakakita,

Bingi’y nakakarinig na,

Pag namulaklak ang ilang,

Tubig aagos sa parang,

Pag lumukso na ang pilay,

Wala na ring mamamatay

—Gayong buhay makikita,

Tumitig sa gantimpala.

2. Pag ang pipi’y nagsalita,

At matanda’y naging bata,

Pag ang lupa’y namumunga,

Kabutiha’y sasagana.

Awitan ng mga bata,

Payapa ang buong lupa,

At ang patay babangon nga,

Tumitig sa gantimpala.

3. Pag ang lobo’t mga tupa,

Oso’t guya’y sama-sama,

Ang aakay, isang bata,

Sa tawag niya’y tatalima.

Pag ang luha ay napawi,

Wala na ring kirot, hapdi,

Laan ito ng Maylikha,

Tumitig sa gantimpala.