Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian

Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian

Awit 151

Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian

(Mateo 24:14)

1. Ipangaral ang balitang inihula ni Jesus.

Mabuting balita’y ipangaral!

At sa pangangaral natin kagitingan ay lubos.

Mabuting balita’y ipangaral!

Ipangaral ang balita sa lansanga’t pintuan;

Ipangaral sa lahat ng sangkatauhan.

Ibalita nang may sikap at nang may kabaitan.

Mabuting balita’y ipangaral!

2. Ipangaral ang balita ng piging ni Jehova.

Mabuting balita’y ipangaral!

Na lahat ng maaamo sa piging ay pupunta.

Mabuting balita’y ipangaral!

Ibalitang sa hapag may alak na malalasap;

Ibalita sa gutom pagkai’y masarap.

Ibalitang kaligtasan, mukha’y mapakikislap.

Mabuting balita’y ipangaral!

3. Ipangaral ang balita tungkol sa Kaharian.

Mabuting balita’y ipangaral!

Ang umiibig sa Diyos lungkot di mararanasan.

Mabuting balita’y ipangaral!

Ibalitang tutulungan ang gagawi nang wagas;

Sabihing sa Diyos umasa ukol sa lakas.

Sabihing kagalakan sa gawai’y di lilipas.

Mabuting balita’y ipangaral!