Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ipangaral ang Salita”!

“Ipangaral ang Salita”!

Awit 162

“Ipangaral ang Salita”!

(2 Timoteo 4:2)

1. “Ipangaral ang Salita,”

Utos ng Diyos sa ngayon.

Dapat tayong tumalima,

Ito na ang panahon.

“Mangaral” ka at magturo;

Tao’y huwag katakutan.

Tulungan ang maaamo,

Ang lahat balitaan.

2. “Ipangaral ang Salita,”

Laging handang mamigay

Sa bawa’t nag-uusisa

Sa pag-asang iyong taglay.

“Mangaral” kahit salansang,

Di man kapanahunan.

Atas pagtapatan lamang;

Diyos ang pagtiwalaan.

3. “Ipangaral ang Salita,”

Ang lahat babalaan!

Masama’y sumasagana,

Malapit nang wakasan.

“Mangaral” upang maligtas

Ang iba’t ang sarili.

“Mangaral,” tupdin ang atas;

Diyos ipagbangong-puri.