Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ipinapahayag ang Katotohanan ng Kaharian

Ipinapahayag ang Katotohanan ng Kaharian

Awit 192

Ipinapahayag ang Katotohanan ng Kaharian

(Gawa 20:20, 21)

1. Noong una’y di pa alam

Landas na dapat lakaran.

Nguni’t ang Diyos ay naghayag,

Ng turo niyang maliwanag.

2. Pribilehiyo’y nakikita,

Na maglingkod sa Teokrasya,

Na si Jehova’y itanghal,

Sa ngalan niya’y magparangal.

3. Nangangaral kahit saan,

Sa pintua’t mga daan.

Nagtuturo nang may tiyaga

Nang ang tao ay lumaya.

4. Habang tayo’y nagsisikap

Na pagsamba’y lumaganap,

Nawa tayo’y magkaisa,

Hanggang gawa’y matapos na.