Isang Awit kay Jehova
Awit 190
Isang Awit kay Jehova
1. Ngayon tayo’y mag-awitan,
Ang Diyos patnubay sa daan.
Siya’y ating pasalamatan,
Papuri’y awitin.
Kabutihan niya’y dakila,
Sa puso nati’y pithaya.
Salita niya’y nagpalaya;
Tayo’y kanyang angkin.
2. Diyos ating pasalamatan,
Siya’y liwanag sa karimlan.
Silahis niya’y kumikinang
Taglay kaaliwan!
Salamat sa ’ting pag-asa;
Di sa dilim nangangapa.
Huwag na tayong mabalisa,
Kundi mag-awitan.
3. Awitin nati’y malambing,
Ang Diyos sa trono’y sambahin,
At kay Kristo padaanin
Dalanging mataos:
“Diyos na Jehovang matapat,
Kami’y nagpapasalamat.
Puri’t pagsamo’y marapat,
Ang lingap mo’y lubos.”