Isang Awit ng Kagalakan
Awit 208
Isang Awit ng Kagalakan
1. Tambuli’y hipan. May kagalakan.
Nasa luklukan na ang Anak ng Diyos.
Mayro’ng tugtugan; at kagayakan.
Sa buong lupa ay pakinggang lubos:
(Koro)
2. Sa pangangaral at pag-aaral,
Marami ang sa Diyos ay makikinig.
Sa kagalakan nag-aawitan,
Nagbabalita sa buong daigdig!
(Koro)
3. Nagmamahalan, nagdadamayan,
Bayan niya’y tunay na magkakapatid.
Ating awitin laging gamitin,
Nang papuri kay Jehova’y ihatid.
(KORO)
Araw ni Jehova. (Magsaya.)
Siya’y naghahari na. (Matuwa.)
Bawa’t may hininga (lumukso.)
Ang ating Diyos ay purihin:
“Buhat sa iyo’y aming kaligtasan,
At si Kristong Hari aming susundin.”