Isang Awit ng Pagtatagumpay
Awit 171
Isang Awit ng Pagtatagumpay
1. ‘Kay Jah umawit, pagka’t nasa kanya ang tagumpay.
Kabayo at karo binulusok sa dagat.
Si Jah ang kalakasan, pagka’t siya’y naging kaligtasan.
Siya’y aking Diyos; aking itatanghal.
Ang kay Paraon na hukbo’t mga karo ibinulusok niya sa dagat.
Ang iyong kanang kamay, O Jehova, tibay di masusukat.’
2. Awit ng Isr’el. Kay Jah iniukol ang tagumpay.
Tayo ay saksi din sa tagumpay niya ngayon.
Si Kristo’y naghahari, sistemang ito’y lumilipas.
Mangagalak, tayo’y tutubusin!
Matandang Dragon at kanyang mga anghel—Sila’y inihagis sa lupa.
Kordero ng Diyos ay nagtagumpay. Karimla’y mawawala.
3. Kay Jah pumuri. Kanya ang lakas at karangalan.
Kaharia’y handa na, sa pangwakas na dagok.
Tinig nati’y magbunyi. Sa Diyos at sa kanyang Kordero.
Galak natin na mabuhay ngayon.
Sa Diyos na Jehova at sa kanyang Mesiyas, pasalamat na walang humpay.
Taglay nila ating kaligtasan. Awitin ang tagumpay!