Isang Awit sa Kataas-taasan
Awit 104
Isang Awit sa Kataas-taasan
1. Si Jah ay ating awitan;
Sa kanya ang kapurihan.
Ibunyi ang Manlalalang,
Pagka’t siya’y makapangyarihan.
(Koro)
2. Ang tambuli’y ating hipan:
’Sinilang ang Kaharian.
Sa paggawi at ugali,
Turo nati’y palamutihan.
(Koro)
3. Panahon ng katapusan;
Pagsamba’y ipagsanggalang.
Ating Diyos ay matagumpay;
Ang papuri’y ipailanlang.
(KORO)
Jehova ay Hari,
Tagumpay niya ay palagi.
Sa Anak niyang sinisinta,
Kaharian ay nagsimula.