Isang Panalangin ng Pagpapasalamat
Awit 45
Isang Panalangin ng Pagpapasalamat
1. Mapagpalang Jehova purihin,
Sana, O Diyos, tinig nami’y dinggin.
Dinirinig mo aming dalangin,
Nalig kami sa iyong pagtingin.
Mahina kami’t nagkukulang din;
Dalangin namin ay paumanhin.
Tinubos ng buhay ng Anak mo,
Mithi na nami’y sa iyo paturo.
2. Maligaya ang inanyayahan
Sa iyong looban upang turuan.
Sa bahay mo Salita’y ilawan.
Sa kabutihan mo’y nasisiyahan.
Dakila ang iyong kapangyarihan,
Nanahimik ang sangkalupaan.
Pumuri sa Diyos ng kaligtasan,
At ipangaral ang Kaharian.
3. Sa lingap mo ligaya’y sagana;
Sa buong lupa pupurihin ka.
Buti ang putong ng Kaharian,
Wala na ang luha’t kamatayan.
Mapaparam na ang kasamaan.
Aawit ang buong sangnilalang.
Sa tagumpay ay ating awitin:
‘Purihin si Jehovang Diyos natin!’