Ito ang Araw ni Jehova
Awit 195
Ito ang Araw ni Jehova
1. Araw ni Jehova. Siya’y nagpupuno na.
Batong Panulok sa Sio’y natatag.
Lahat mag-awitan; Diyos pasalamatan.
Pag-asa sa Kaharia’y di matitinag.
(Koro)
2. Kristo’y hari ngayon, at sa Armahedon,
Dating kaayusa’y aalisin.
Salita’y ihayag; balita’y itanyag.
Tulungan ang maamong utos niya’y sundin.
(Koro)
3. Hari ng Diyos mahal; tayo’y magparangal.
Sa ngalan ng Diyos, siya’y naghahari.
Sa templo dumulog! Dalangi’y ihandog,
Nang sa ministeryo tayo ay lumagi.
(KORO)
Anong laan, O Kaharian?
Ang tagumpay ng katwiran.
At ano pa, O Kaharian?
Buhay at kaligayahan.
Purihin ang Diyos sa kanyang
Pag-ibig, katapatan.