Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ito ang Daan”

“Ito ang Daan”

Awit 42

“Ito ang Daan”

(Isaias 30:20, 21)

1. Diyos nananawagan; O tumalunton

Sa wastong daan ni Jehova ngayon.

Mayro’n siyang napiling isang daluyan,

Dito siya nakikipagtalastasan.

Ito’y daang lalakaran.

Huwag mangamba! Laging sundan!

Kay linaw na dinggin ang tawag sa atin.

Ito ay laging pakinggan.

Espiritu ng Diyos sa ati’y gabay.

Sa matwid na daan ay huwag sisinsay.

2. Tinig sa likuran, gandang pakinggan

Pagka’t ating Guro’y tanglaw sa daan.

Nakikinig tayong may pagkapantas,

Upang sa paglakad huwag madupilas.

Lumakad sa tamang landas,

Daang malinis at wagas.

Sa mata ng puso ating natatanto,

Kaharia’y walang wakas.

Sa kaliwa’t kanan ay huwag lumiko,

Daan niya’y tahakin, buhay matamo.

3. Daan ni Jehova dapat isaysay

Sa nais matuto upang mabuhay.

Parang kalapating nagliliparan,

Sa tunay na Diyos at Batong Kanlungan.

Payapa ang kanyang daan,

Wala na sa sanlibutan.

Daan ng katwiran at ng kaluguran,

May buhay na walang hanggan.

Bilisan nga natin, ang ating hakbang,

Mata’y nakapako sa Kaharian.