Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jehova, Tahanang Dako Natin

Jehova, Tahanang Dako Natin

Awit 135

Jehova, Tahanang Dako Natin

(Awit 90:1)

1. O Jah, tirahang dako namin

Sa nagdaang mga lahi.

Kadakilaan mo’y tatag nang

Bundok, burol di pa yari.

Walang hanggan ka, O Jehova;

Ika’y walang pagbabago.

Kahit na tao ay madurog,

Pag-ibig mo ang saklolo.

2. Ang sanlibong taong lumipas,

Sa iyo’y kakahapon lamang.

Tao’y damo ang siyang katulad,

Parang hamog, napaparam.

Mga pitumpu o walumpu

Ang bilang ng aming buhay;

Nguni’t lipos ng kahirapan,

At may mga hapdi’t lumbay.

3. Turuan mo kaming bumilang,

Ng araw na lumilipas.

Puso namin nawa’y marunong,

Puri sa iyo’y ibulalas.

Gandang loob mo, O Jehova,

Mga lingkod mo ay bigyan.

Gawain nami’y patibayin;

Inyo nawang patnubayan.