Kabanalang May Kasiyahan
Awit 69
Kabanalang May Kasiyahan
1. Upang Diyos mapaluguran,
Tayo’y dapat masiyahan,
Ang bilin ng Diyos dinggin mong lubos,
Hanapin ang kabanalan.
Dakila ang kabanalan,
Panlaban sa kasalanan.
Araw-araw Diyos ay tanglaw,
Ang bunga’y kasigasigan.
2. Laan ng Diyos pagkasiyahin,
Ito’y kapasiyahan natin:
Diyos ang sambahin at dakilain,
Kaharia’y lunggatiin.
Dinggin kanyang panawagan,
Landasin niya’y kaligtasan.
May ligayang Umaasang,
Parangalan kanyang ngalan.
3. Ang Diyos ay pasalamatan,
Sanlibuta’y mapoot man,
Tayo ay kanyang binabasbasan
Dahil sa ’ting kabanalan.
Katotohana’y suriin,
Ang pangamba ay pawiin.
Kabanalang may kasiyahan,
Ang siyang magiging mithiin.