Kaharian ng Diyos na Sanlibong Taon
Awit 60
Kaharian ng Diyos na Sanlibong Taon
1. Utos ng Diyos milenyong katarungan.
Ang tao ay paghaharian ng Kristo.
Luluklok na kasamang maghahari,
’Sangdaa’t apatnapu’t apat na libo.
2. Maawain sa di sakdal na tao,
Natutuwang pawiin ang kasalanan.
Buong mundo’y magiging paraiso.
Pupurihin ang Diyos ng sangkatauhan.
3. Libong taong Kaharian ni Kristo!
Ating masdan ang kay ganda na tanawin:
Mga patay babango’t tuturuan;
Ang araw ng paghuhukom sasapit din.
4. Ating gawin ang buo nating kaya;
Pagbubukang-liwayway ang hinihintay.
Kumilos nang magiting at matibay;
Yayain ang lahat na sa Diyos mag-alay.