Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Kakampi Ko si Jehova”

“Kakampi Ko si Jehova”

Awit 125

“Kakampi Ko si Jehova”

(Awit 118:6)

1. Puso ko, kay Jehovang Diyos,

Matibay, may pagtitiwala.

Mithiin ko’y samahan siya,

Sa kanya’y laging tumalima.

Kung sa landas man ay may lumitaw

Na maraming kabalisahan,

Ang Diyos ay laging aking kakampi.

Pag-ibig niya’y aking kaluguran!

(Koro)

2. Ito’y oras ng pagsubok

Kung pananalig ay matibay.

Kalaba’y tulad bubuyog

Sa akin ay sumasalakay.

Nguni’t yamang Diyos ang nagtatanggol,

Sila’y hindi nagtatagumpay.

Tunay na minamahal nga ng Diyos

Yaong ang pangalan niya’y tinaglay.

(Koro)

3. Bansa ng Diyos pinalawak

Pati kanyang mga hangganan.

Mga tao’y dumadagsa

Upang ang utos niya’y ingatan.

Lahat sila’y inaalalayan,

Sila’y kanyang kinaluguran.

Katulad nila, mangyari nawa,

Ako’y may gayon ding kasiglahan.

(KORO)

Kakampi ko si Jehova;

Pupurihin ko habang buhay.