Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kasama ni Kristo sa Paraiso

Kasama ni Kristo sa Paraiso

Awit 218

Kasama ni Kristo sa Paraiso

(Lucas 23:43)

1. ‘Ang Paraiso’y tamuhin,’

Ani Jesus sa salarin.

Yamang siya’y pinangakuan,

Tayo’y naudyukan

Diyos paniwalaan.

May pagkabuhay na muli,

Kamataya’y magagapi.

Katotohana’y tantuin.

Ang Bibliya’y alamin.

Ang lingap ay kamtin.

2. Sa Paraisong darating

Karamiha’y tumitingin.

Di na sila nangangamba.

Tunay ang Salita!

Nananalig sila.

Sa Diyos dalangi’y sambitin,

Upang siya’y laging sambahin.

Walang hanggan siyang purihin,

Palaging susundin,

Sa puso’y taimtim.

3. Ibang tupa’y magtatamo

Ng Paraiso na ito.

Ngayon natatalos nila

Gawa niyang kay ganda!

Sa Diyos nagmumula.

Nagbabalita sa madla,

Sa puso’y nagpapasaya.

Daang kapantasan ito;

Nang buhay matamo,

Do’n sa Paraiso.