Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kristiyanong Pag-aalay

Kristiyanong Pag-aalay

Awit 13

Kristiyanong Pag-aalay

(Exodo 39:30)

1. Yamang likha ni Jehova

Buong santinakpan,

Sa kanya ang lupa’t langit,

Gawa niya ang tanan.

Ang kaloob niya na buhay

Isang katunayan

Na siya’y nararapat sambahin,

At laging parangalan.

2. Ang sinaunang Israel

Nanata sa Sinai:

‘Buong galak na susundin

Utos na ’binigay.’

Si Jehova’y nagmay-ari;

Sa dagat tinubos.

Sila ay bansang naaalay,

Patutunayang lubos.

3. Si Jesus nagpabautismo,

Katwira’y nilubos.

Sarili ay iniharap,

Napasakop sa Diyos.

Nang sa Jordan siya’y umahon

Bilang pinahiran,

Sa Diyos siya ay itinalaga,

Tapat maglilingkuran.

4. Narito kami Jehova,

Handa na ang buhay,

Aming sarili’y ’tinakwil,

Sa iyo inialay.

Tanging Anak mo’y sinugo,

Nagbayad ng buhay.

Sa ’min ang may-ari ay ikaw,

Mabuhay ma’t mamatay.