Kumakapit kay Jehovang Ating Diyos
Awit 131
Kumakapit kay Jehovang Ating Diyos
1. Sa sambahayan ng Diyos ay naglilingkuran;
Namumukod-tanging pagsamba’y iingatan.
Ang mga diyus-diyusan atin nang iniwan.
Kay Jah ay kumapit; utos niya’y gampanan.
Katotohanan niya’y sa puso manahan.
2. Kanyang salita at pangakong binitiwan,
Mayro’ng katuparan—wala nang kaapihan!
Digmaa’y pahihintuin ng Kaharian.
Sa kanya kumapit; ating papurihan.
Sa kanya lamang mayro’ng kapayapaan.
3. Banal na Aklat araw at gabi’y basahin.
Kumapit sa Diyos at maging matalimahin.
Pag-ibig sa kanya’y dapat matutuhan.
Kalooban niya’y dapat maunawaan;
Ating sambahin siya na una sa tanan.