Lahat ng Bagay ay Ginagawang Bago
Awit 187
Lahat ng Bagay ay Ginagawang Bago
1. Nagbabadya ang tanda ng panahon,
Nakaluklok na ang Panginoon.
Sa langit natapos ang digmaan,
Sa lupa katwiran ang tatahan.
(Koro)
2. Ang Bagong Jerusalem ay pagmasdan,
Si Kristo ang kanyang kasintahan.
Nagagayakan, lubhang maganda,
Tanging si Jehova ang tanglaw niya.
(Koro)
3. Lunsod na ito’y kagila-gilalas.
Pinto niya ay laging nakabukas.
Bansa’y tatanggap ng liwanag niya,
Ang sinag nito ay ipakita.
(KORO)
Matuwa, ang Diyos tumatahan
Mismo sa sangkatauhan.
Wala nang luha’t kahirapan,
Maaalis ang kamatayan;
Sabi ng Diyos: ‘Babaguhing lahat.
Ang salita ko’y tapat.’