Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Laksa-laksang mga Kapatid

Laksa-laksang mga Kapatid

Awit 127

Laksa-laksang mga Kapatid

(Apocalipsis 7:9)

1. Laksa-laksang kapatiran

Ang naninindigan,

Bawa’t isa ay saksi,

Walang kapintasan.

Laksa-laksa ang bilang,

Lubhang karamihan.

Sa lahat ng bansa sa lupa,

Diyos pinapupurihan.

2. Laksa-laksang kapatiran,

Kasuota’y puti,

Naglilingkod sa templo

Nang araw at gabi.

Laksa-laksa ang bilang.

Pinagsasabihan

Na kay Jehova at kay Jesus

Mayroong kaligtasan.

3. Laksa-laksang kapatiran

—Sila’y naghahayag

Ng mabuting balita,

Nang ito’y matanyag.

Kahit na sa gawain

May sumasalansang,

Akay ni Kristo sa pastulan,

Do’y may kapahingahan.