Lumakad Araw-araw na Kasama ni Jehova
Awit 55
Lumakad Araw-araw na Kasama ni Jehova
1. Lumakad sa araw-araw
Kay Jehova ay nakakamay.
Di na sana nararapat
Kaloob na ibinibigay!
Tanging kung mayro’ng tipanan,
Sa Diyos tayo paakay,
Pasimula’y pag-aalay,
Sa Diyos panig ang iyong buhay.
2. Paglakad na kasama niya
Ay ang tiwasay na landasin.
Paligid nati’y kaaway
Ang nais tayo ay gipitin.
Ang Diyablo’t mga demonyo,
Mga silo’t damdamin,
Materyalismong tunguhin,
Paa nati’y gagapusin!
3. Diyos ay naglaan ng tulong,
Espiritu’t kanyang Salita.
Ang Kristiyanong kongregasyon,
Sa dalangi’y pinagpapala.
Sa paglakad na kasama,
Ang matwid ating sundin.
Ibigin nating tapatan,
At tayo’y maging mahinhin.