Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lumalakad sa Pagka-Walang Kapintasan

Lumalakad sa Pagka-Walang Kapintasan

Awit 160

Lumalakad sa Pagka-Walang Kapintasan

(Awit 26:1)

1. Jehovang Diyos, ako ay hatulan.

Ako’y lumakad na walang kapintasan.

Siyasatin mo, ako ay subukin;

Puso ko’t isipan ay iyong dalisayin.

(Koro)

2. Ang masama’y di ko kaibigan.

Ako’y napopoot sa mga bulaan.

Sa balakyot ako’y huwag idamay,

Sa makasalanan ako’y ihiwalay.

(Koro)

3. Inibig ko sa iyo ay manahan.

Sasambahin kita buong kaarawan.

Sa iyong dambana maglilingkuran,

Pasasalamat ko’y ipagsisigawan.

(KORO)

Kung sa akin,

Tiyak ang kapasiyahan.

Ako’y lalakad na

Walang kapintasan.