Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lumalakad sa Pangalan ng Ating Diyos

Lumalakad sa Pangalan ng Ating Diyos

Awit 80

Lumalakad sa Pangalan ng Ating Diyos

(Mikas 4:5)

1. Dakilang Ama sa kalangitan,

Pag-ibig mo’y aming gagantihan.

Pinalalampas mo’ng pagkukulang.

Pasiya namin na ika’y paglingkuran.

2. Kaaway ngayo’y dakilang hukbo.

Sa kanilang diyos nagpapalalo.

Huwad na diyos nila’y kinasuklaman;

Lalakad kami kay Jehovang ngalan.

3. Munting Betlehem, pinanggalingan

Ng Pastol na mayro’ng kaligtasan.

Ang iyong nalabi’y bumangon muli

Upang sambahin ka, O aming Hari.

4. Halina’t si Jehova’y sambahin.

Kalooban niya ang ating sundin.

Tabak at sibat ating isuko,

At maglilingkuran nang walang hinto.