Mag-ingat sa Ating Paglakad
Awit 106
Mag-ingat sa Ating Paglakad
1. Tayo’y mag-ingat
Sa ating hakbang,
At sa gayo’y huwag maging mangmang;
Panahon ay gamiting di
Ukol sa sanlibutan.
Oo, mag-ingat
Sa salitaan,
Maging marunong at di mangmang.
2. Tayo’y mag-ingat
Sa pangangaral,
Maamo ay ating turuan.
Sa pag-aaral ng Bibliya,
Sila’y ating tulungan.
Oo, mag-ingat
Sa pangangaral,
Nang maamo ay manindigan.
3. Tayo’y mag-ingat
Sa ’ting paggawi,
Sa lahat tayo ay may ngiti.
Gaya ni Jesus na Pastol,
Tupa’y kinakandili.
Oo, mag-ingat
Sa ’ting paggawi,
Upang walang masaktang budhi.