“Maging Maningas sa Pag-iibigan”
Awit 115
“Maging Maningas sa Pag-iibigan”
1. Ang pag-ibig na busilak
Nagtitiis nang may galak,
Ang lingap ng Diyos ay tiyak
Habang naglilingkod.
Kaya nga si Kristo Jesus
Ay siyang isinugo ng Diyos,
Upang makasundong lubos
At siya ay masunod.
Tayong sa Diyos may sindak,
Pag-ibig ang ating pangyapak;
Sa daan niya’y tumahak,
At tayo’y mag-ibigan.
Sa mundong may kapootan,
Ang pag-ibig ay kailangan.
Ito ang sakdal na daan
—Diyos ang ating parisan, Diyos ang ating parisan.
2. Pag-ibig ay di kunwari,
Ito’y naghuhunos dili,
At hindi rin nagtatangi
Sa ’ting kapatiran.
Matiisin at mabait,
Sarili ay di ipilit,
Di na naghihinanakit
Sa ’ting kasamahan.
Wakas ay malapit na,
Dapat ay matutuhan sana
Na umibig sa iba
Sa b’ong sangkatauhan!
Kapatid ating ibigin,
Dunong ng Diyos ay taglayin.
Pag-ibig niya ay gayahin,
Magpakailan pa man, magpakailan pa man.