Maging Matatag, Di-Natitinag!
Awit 10
Maging Matatag, Di-Natitinag!
1. Mga huling araw napipigtal,
Pag-ibayuhin ang pangangaral.
Magpakatibay tayo nang lubos,
At tapat sa ating Diyos.
(Koro)
2. Sa mundo ay laganap ang tukso,
Dapat na huwag tayong parahuyo.
Kung sa panig ng Diyos ay matatag,
Ligtas tayo’t panatag.
(Koro)
3. May sigla natin Diyos ay sambahin.
Laging malinaw ating paningin.
Ang Mabuting Balita ay tangnan,
Hanggang sa kawakasan.
(KORO)
Laging may katatagan; sanlibuta’y layuan,
At manatili kang walang kapintasan.