Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maging Matiisin

Maging Matiisin

Awit 145

Maging Matiisin

(1 Tesalonica 5:14)

1. Diyos ay kay inam na halimbawa,

Siya’y lubhang matiisin!

Siya’y nagtiis ng pag-upasala,

Di naging magalitin.

Ang Israel ay pinagtiisan,

Ang sangkatauhan din.

At sa mga tupa sa kulungan,

Diyos sadyang matiisin.

2. Kung si Jehova na walang hanggan,

Tayo’y napagtiisan,

Siya nga ang dapat nating tularan,

Sa gayong katangian.

Kabaita’y dapat sa larangan,

Nang walang masasaktan.

Huwag padala sa maling isipan,

Laging may kaamuan.

3. Pagkamatiisi’y bumubuklod,

Nakapagpapatibay,

Sa sambahaya’t sa paglilingkod,

Diyos sa ati’y patnubay.

Kapag marunong at maibigin,

Tayo’y tinutulungan

Upang tayo’y laging matiisin

Hanggang sa kasakdalan.