Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Mahal ng Diyos ang Nagbibigay na Masaya”

“Mahal ng Diyos ang Nagbibigay na Masaya”

Awit 12

“Mahal ng Diyos ang Nagbibigay na Masaya”

(2 Corinto 9:7)

1. Dapat nating tandaan na ang Diyos Ama natin,

Masaya, bukaspalad at maibigin.

Siya’y wala ngang kapantay; Ang Anak ­inihain,

Upang sa kamatayan ang tao’y bawiin.

2. Ang kanyang halimbawa’y dapat nating ­tularan.

Masayang nagbibigay may kagantihan.

Kay Jehova nagbuhat ang lahat, pati buhay.

Kung ito sa Diyos ialay, tayo’y tiwasay.

3. Sa mga bukaspalad ang Diyos ay natutuwa.

Turo’y nakakaakit, nagpapasigla.

Halaga ay dakila kung bukal nga sa puso;

Tunay na kaligayahan ang matatamo.

4. Sa Diyos nga at kay Kristo, utang na loob natin.

Pagsambang tunay lagi nating unahin.

Puso’y nagpapakilos na maging mapagbigay,

Nang Diyos paluguran natin habang may buhay.