Maibiging mga Pastol na Nag-aalaga sa “Tupa” ng Diyos
Awit 184
Maibiging mga Pastol na Nag-aalaga sa “Tupa” ng Diyos
1. Maraming salamat, O Jehova,
Dakilang Pastol ng iyong tupa.
Kami ay iyong iniingatan.
Kawan na pinagkakaisa.
2. Ang pastol na kaloob ni Kristo
Sa ati’y may malasakit din.
May sigla silang naglilingkuran,
Nang lahat ang Diyos ay kilanlin.
3. O pastol ng kawan ni Jehova,
Sarili’y huwag sanang unahin.
Sa pagsulong kawan ay tulungan,
Nang pagkamaygulang abutin.
4. Habang sama-samang nangangaral,
Tayo ay lalong sumisigla!
Tayo sana’y ganito palagi,
Sikap ay ating ipakita.