Maka-Diyos na Kahabagan
Awit 68
Maka-Diyos na Kahabagan
1. Kung talagang tayo ay Kristiyano,
Ay ating kahahabagan
Ang kapatid at ang di kilala,
Kahit ang mga dayuhan.
Ito’y lubos na nilinaw
Ni Jesus, Guro natin
Sa tulong ng talinghaga.
Ligaya natin kung dinggin.
2. Minsan ay mayro’ng Samaritano
Na patungo sa Jerico.
Sa daan ay may nakahandusay,
’Sang ninakawan na Hudyo.
Pobre’y kanyang tinulungan,
Muhi’y kinalimutan.
Pag-ibig niya ay saklolo,
Tinupad ang kautusan.
3. Dito’y malinaw kung sino’ng kapwa.
Siya y’ong dapat na tulungan.
Diyos sa lahat ay nagkakaloob,
Dulot niya’y init at ulan.
Dakila ang awa ng Diyos!
Tunay siyang kaibigan.
Kabaitan niya’y sagana,
At siya ay maaasahan.
4. Minsa’y damit at pagkain natin,
Ang kapwa nati’y mabigyan.
Nguni’t higit ang kinakailangan,
Ang buhay na walang hanggan.
Kaharian ni Jehova,
At ang katotohanan,
Kapwa’y ating balitaan;
Nang ang Diyos ay papurihan.