“Maligaya ang mga Mahihinahon”
Awit 36
“Maligaya ang mga Mahihinahon”
1. Mahihinaho’y pinagpala;
Ligaya’y walang kapara.
Hindi sila takot sa hirap;
Sa Diyos sila’y umaasa.
Ang balakyot ma’y maghambog,
Di dapat na mabalisa.
Mga ito’y walang pag-asa,
Parang damong nalalanta.
2. ‘Ako ngayon ay matanda na,’
Ani David no’ng una pa.
‘Nguni’t ako’y di nakakita,
Lingkod gutom, nagdalita.’
Tiwala’y ibigay sa Diyos
At magtapat ka sa kapwa.
Kung may lugod ka kay Jehova,
Ang pagpapala’y dadagsa.
3. Ang masama ay lilipulin;
Sila’y walang tatayuan.
Ang maaamo ay payapa,
Sila sa lupa’y tatahan.
Tayo ay laging maghayag
Na Salita niya ay tapat;
Kaya’t dapat na patunayang
Tayo’y maamo sa lahat.