“Mangagpakalalaki”
Awit 134
“Mangagpakalalaki”
1. “Iyan ang tao!” sabi ni Pilato.
Dapat ngang tularan si Jesu-Kristo!
May pagkalalaki niyang nilupig
Balakyot na sanlibutan ng Diyablo.
2. Si Kristo nag-iwang halimbawa.
Siya nga ang kailangan nating tularan.
Pagharap natin sa Armahedon,
Magpakalalaki at manindigan.
3. Ang pagkalalaki’y kahilingan
Sa mga lingkod niya, bata’t matanda.
Sa paglapit na ng kawakasan,
Sa paglilingkuran magmagiting ka.
4. Mga lingkod, lalaki’t babae,
Sa Haring si Kristo laging tumingin.
Magmatibay at di natatakot.
Magpakalalaki, tagumpay kamtin.