Mangaral Nang May Lakas-loob
Awit 92
Mangaral Nang May Lakas-loob
1. Lingkod ng Diyos dapat malakas,
Dahil sa puwersa ni Satanas.
Galing sa Bibliya’y kalakasan,
Ipamahagi ito sa tanan.
Puwersa ito sa pagtitiis,
Katapatan ay walang mintis.
Mga apostol ang kahambing,
Magpakatibay, may tuwa at giting.
2. Buong pusong naniniwala
May katapatan ang Salita,
Di natatakot kaninoman
Kahit na tayo ay iilan lang.
Magmasigasig sa paggawa,
At mangaral sa buong lupa.
May giting hanggang katapusan,
Nang si Jehova’y laging Kaibigan.
3. Mga mahina ay tulungan,
Nang katapangan ay makamtan.
Kabataa’y huwag kaligtaan;
Palakasin, takot ay talikdan.
Aliwin natin ang may lumbay;
Diyos ang sa ati’y gumagabay.
Buong lupa’y paghaharian,
Magbubunyi ang sangkatauhan.