Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Manghawakang Mahigpit sa Mabuting Balita!

Manghawakang Mahigpit sa Mabuting Balita!

Awit 71

Manghawakang Mahigpit sa Mabuting Balita!

(1 Corinto 15:2)

1. Magmatatag sa gawain,

Oras na’y darating.

Ang kapatira’y katulong,

Ang Diyos alalay din.

Katotohana’y kay linaw,

Gawain ay sagana.

Ito’y hindi masasayang

—Tayo ay liligaya.

2. Ang pagkabuhay mag-uli

Aalisi’y lungkot,

Pagtitiwala’y tatatag,

Kagalaka’y dulot.

Pananampalataya sa

Pangako ay matibay.

Maging tapat, walang humpay;

Hanggang sa magtagumpay.

3. Ang sikap pag-ibayuhin,

Tunguhi’y marating.

Sa mabubuting kasama

Tayo’y titibay din.

Pag-asa mo’y palakasin

Sa bagong Paraiso.

Kaya salamat sa ’ting Diyos

Dahil kay Jesu-Kristo.