Masdan ang Hukbo ni Jehova!
Awit 166
Masdan ang Hukbo ni Jehova!
(Joel 2:7)
1. Hukbo ni Jehova,
Ating pagmasdan.
Ipinapahayag
Ang Kaharian.
Laging sumusulong,
May pagkukusa;
Mga walang takot,
Kahit bahagya.
Sa Diyos magtiwala,
Tulad kay Jesus,
Kanilang sigaw ay:
“Hari na ang Diyos.”
2. Lingkod ni Jehova,
Tupa’y hanapin,
Na sa Babilonya
Inaalipin.
Upang matulungan,
Dapat puntahan;
At sa pagpupulong
Ay anyayahan.
Pag tupa’y lumaya,
Aalagaan
At turo’y patuloy
Hanggang gumulang.
3. Lubhang karamihan,
Ulo’y si Kristo,
Nalabi’y kasama,
Masiglang hukbo.
Tunay na maingat
At matimtiman,
Pag sila’y inusig,
May katapatan.
Diyos na Panginoo’y
Pinarangalan;
Pagsambang dalisay,
May kaunlaran.