“Masigasig sa mga Gawang Mabuti”
Awit 30
“Masigasig sa mga Gawang Mabuti”
1. Masigasig sa gawang mabuti,
Tayo’y nangangaral sa tanan.
Pagsamba natin ay bukod-tangi.
Sa bahay niya tayo tatahan.
2. Matimyas nawa ating pag-ibig,
Sa paglilingkod sa kapatid.
Ngayong Armahedo’y manglulupig,
Sa paglilingkod walang patid.
3. Palatandaan nati’y sigasig;
Pananampalataya natin;
Gayon din ang pag-asa’t pag-ibig,
Sa dibdib ay papagningasin.
4. Matatag kahit may dalamhati,
Pag-ibig maningas sa tuwina.
Masigasig na magbangong-puri,
Maglingkod buong kaluluwa.