Matagumpay Laban sa Sanlibutan
Awit 3
Matagumpay Laban sa Sanlibutan
1. Habang sumusulong tayo
Sa lakas ni Jehova,
Marami tayong tagumpay
Sa ’ting pakikibaka.
Mga bansa ma’y mapoot
Sa ’ting paglilingkuran,
May tiwala sa tagumpay,
Hindi mapipigilan.
2. Sa mundong kasalukuyan
Ay may pighati tayo.
“Huwag matakot!” ani Kristo,
‘Iingatan ko kayo.’
Tayo ay magtatagumpay,
Di atin ang digmaan.
Parang ningas si Jehova,
Tutupok sa kalaban.
3. Sa pananampalataya
Ang tagumpay ay tiyak.
Naghahari na si Kristo,
Ang tabak kanyang hawak.
Daigdig kanyang nasupil;
Atin ding magagawa.
Maluwalhating tagumpay,
Kung sa Diyos titiwala.