Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Galak sa Buong Maghapon

May Galak sa Buong Maghapon

Awit 19

May Galak sa Buong Maghapon

(Awit 32:11)

1. Lumukso sa galak!

Ang Diyos sa ’ti’y may lingap.

Maghapong may tuwa,

Sa gawai’y masikap.

Tayo’y inaakay. Diyos ang alalay.

Ano pa ang ating mahahanap?

Tahimik, payapa

At mayro’ng kasiyahan.

Tayo ay sagana;

Diyos nati’y kaibigan.

Kagalaka’y tunay, walang pagsinsay,

Ang bunga nati’y kaligayahan.

2. Malaya na tayo,

Mayroong kagalakan.

Nag-utos si Jesus,

Tinig niya ay pakinggan.

Binili niya tayo. Siya’y ating guro.

Ang Diyos sa atin ang siyang humirang.

Kaharia’y narito,

Galak walang kapantay.

Kanyang katiwala

Sa ati’y magbabantay.

Tayo’y tinanglawan; pag-asa’y tangan;

Lubusan nating isasalaysay.

3. Mayro’ng kagalakan

Ang mangaral sa tanan.

Katuwaa’y dulot

Pag tupa’y natagpuan.

Kapatid ibigin, iba’y gayundin,

Magkatulad ang ating isipan.

Sa buong maghapon,

Tayo ay nangangaral.

Malaking pulutong,

Bilang ay kumakapal!

Diyos tayo’y akayin, at kandilihin;

Sa kanya tayo ay magparangal.