Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Anak—Mamahaling Kaloob Mula sa Diyos

Mga Anak—Mamahaling Kaloob Mula sa Diyos

Awit 164

Mga Anak—Mamahaling Kaloob Mula sa Diyos

(Awit 127:3, 4)

1. Ang anak ay kaloob ng Diyos,

Turo at pagsasanay gawin.

Tulad nga sila ng palaso,

Sa tudlaan ay patamain.

Diyos ang nagpayo:

‘Pamalo’y wasto.’

May paggiliw at maibigin,

Pagsasanay ipanalangin.

2. Tunay na damdamin sa puso

Ng anak dapat na maarok.

Sa pagkasanggol iyong simulan

Katotohanan ang ihutok.

Puso’y turuan

Sa kamusmusan.

Tulong ay sa Diyos mo hilingin,

At ang bilin niya’y ating sundin.

3. Laging makipagtalastasan,

Nang anak nati’y makadama

Na may layang makipag-usap;

Ating kaibiganin sila.

Huwag mong inisin.

Iyong kausapin.

Tayo man ay dapat mag-ingat

Habang pana’y isinisipat.

4. Ang anak nati’y mga mana,

Nguni’t may-ari ay Diyos pa rin.

Mga bungang may gantimpala

Kung turuan mong tama’y gawin.

Manalig tayo,

Sila’y matuto.

Ang Diyos tayo ay gagantihan.

Tayong mag-anak, siya’y awitan.