Mga Kagalakan at Bunga ng Paglilingkod sa Kaharian
Awit 72
Mga Kagalakan at Bunga ng Paglilingkod sa Kaharian
1. Sa paglilingkuran kay Jehova,
Kagalaka’y walang kahambing,
Pagka’t tayo ay nagbabalita
Upang ating kapwa’y aliwin.
Tiniyak sa ’tin ni Jesu-Kristo:
Maligaya ang nagbibigay.
At anong sa halaga’y katulad
Sa katotohanang tungo sa buhay.
2. Kahit sa pagbabahay-bahay man
May kukutya’t ayaw makinig,
Hindi tayo basta nanghihina,
Lakasan mo ang pananalig.
Mapait man kung tayo’y usigin
Sa pagbabandila ng ngalan,
Ani Kristo, lukso’t lumigaya;
Ang mga propeta ay nagdusa man.
3. Kay saya ng ating paglilingkod,
Pagsunod sa daan ni Jesus:
Ang masasama ay babalaan,
Karangalan ibigay sa Diyos!
Sa iba’y sabihin ang pag-asang
Mawala ang sala’t alitan.
Dulot ay ligaya’t kasiyahan,
Ang pag-asa’y buhay na walang hanggan.