Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Naghahayag ng Araw ng Paghihiganti ni Jehova

Naghahayag ng Araw ng Paghihiganti ni Jehova

Awit 189

Naghahayag ng Araw ng Paghihiganti ni Jehova

(Isaias 61:2)

1. Tambuli’y hinihipan;

Maliwanag at malakas.

Ang araw ng kagantihan

Ating nababakas.

Buong tapang na mangaral,

Tao man ay sumalansang.

Lahat ay babalaan;

Kaharia’y isinilang.

2. Digmaa’y kay Jehova,

Anak niya ang nangunguna.

Dinakila ang katwiran,

Tiyak ang tagumpay niya.

Mga pakana ng Diyablo

Walang salang mabibigo.

Sa pakikipagbaka

Diyos sa ati’y nagturo.

3. Ang babala ng tanod,

Tinig ay nagkakaisa.

Ang bigay ng Diyos na dako’y

Ayon sa nais niya.

Panaho’y may takdang sukat,

Sa ngayo’y nauubos na,

Upang tayo’y mangaral

At magsulit sa kanya.