Naghihintay kay Jehova
Awit 140
Naghihintay kay Jehova
1. O Diyos, ang iyong kaawaan
Sa ami’y nagligtas!
Kabutihan mo’y patuloy,
Upang huwag madupilas!
2. Ang awa mo, O Jehova,
Laan mo sa tuwina.
Katapatan mo’y sagana
Doon sa may tiwala.
3. Mabuti ang maglingkuran
Mula kabataan,
At maghintay sa ating Diyos
Nang may kapanatagan.
4. Jehovang Diyos, sinasamba,
Aming itatanghal
Pagkamaamo’t pagsunod
Sa huwaran mong sakdal!