Nagmamalasakit sa “Kawan ng Diyos”
Awit 101
Nagmamalasakit sa “Kawan ng Diyos”
1. Si Jesu-Kristo, Mabuting Pastol
Ay nagmamalasakit sa kawan.
Binili tayo ng kanyang buhay.
Sa kanya’y maraming matututuhan.
2. Matatanda’y katulong na pastol;
Tupa’y magiliw na inaakay.
Sila’y dapat na maging huwaran
At sa kawan ay laging mapagbantay.
3. ‘Pakainin ang aking kordero,’
Utos ni Kristo sa may pagtingin.
Matiisin at may buong giliw,
Sa pagkamaygulang ay aakayin.
4. Bilang isang kawan—mapayapa—
Marami ang ating pagpapala.
Si Jehova at si Jesu-Kristo
Sa atin ay laging may pagkalinga.