Nagtitipong May Pagkakaisa
Awit 65
Nagtitipong May Pagkakaisa
(Awit 133)
1. O kay gandang malasin
Pagkakapatiran,
Na nagsasama-sama
At nag-iibigan!
Pagpapala ni Jehova,
Hamog ang kapara,
Sa Bundok Hermon no’ng una,
Ang Sion guminhawa.
2. Tayo’y magtipun-tipon
At mangag-udyukan.
Pag-asa nating tunay
Ihayag sa tanan.
Kaya’t tayo ay magsikap,
Pulong paghandaan,
Upang tayo’y masangkapan
Ng katotohanan.
3. Tapat si Jehovang Diyos;
Ang Salita niya’y tiyak.
Ating pag-aaralan
Upang pumanatag.
Di natin pababayaan,
Kapatirang mahal,
Araw ng Diyos kay lapit na;
Di na magtatagal.