Nakahihigit na Daan ng Pag-ibig
Awit 35
Nakahihigit na Daan ng Pag-ibig
1. Si Jehova ay pag-ibig;
Sundin ang kanyang daan.
Pag-ibig sa Diyos at kapwa’y
Salita’t sa gawa man.
Ang pananampalataya,
Hula at karunungan,
Kung wala rin ang pag-ibig,
Ay walang kabuluhan.
2. Mangaral man nang mahaba,
Magtiis kung usigin;
Anong pakikinabangin,
Kung liko ang layunin?
Pag-ibig ay matiisin,
Ang asal ay mahinhin,
Hindi mapanibughuin,
Malinis ang hangarin.
3. Pag-ibig ay di tampuhin,
Di galak sa masama.
Sa lahat ay matiisin,
Sa matwid ay may tuwa.
Pag-ibig at ang pag-asa’t
Pananampalataya,
Sa tatlong ito’y pag-ibig,
Pinakamahalaga.